Ayaw ni Bianca King na ikumpara siya kay Katrina Halili bilang kontrabida ni Marian Rivera dahil magkaiba raw ang kanilang forte sa pagganap ng kanilang mga papel.
Kung si Katrina ay si “Angelika" na nagpahirap sa buhay ni “Marimar" noon, si Bianca naman ay “Betty" na magiging karibal sa puso ni Marian kay “Fredo" (Dingdong Dantes) sa fantaserye ng GMA 7 na “Dyesebel" ngayon.
“Katrina’s style is different from mine. So far kasi ang line ng pagiging kontrabida ni Katrina medyo sexy… ako naman laging sosyal…so we have our own niche," paliwanag ni Bianca sa panayam ng entertainment reporter na si Lhar Santiago para sa Chika Minute ng 24 Oras.
Iniiwasan din umano ni Bianca na magkasamaan sila ng loob ni Marian lalo na sa mga maselang eksena kung saan hindi maiwasan na magkasakitan sila.
“Kasi na-mention nya na before hindi sila medyo naging ok ni Katrina…hindi sila nag-uusap. Kami ni Marian ngayon we make it a point na kapag wala kaming eksena nag-uusap talaga kami," kwento pa ni Bianca.
Kamusta naman kaya ang kanyang love life ngayon na madalas na makitang magkasama sila ng vocalist ng bandang “Hale" na si Champ?
“I prefer not to talk about those thing," nakangiting sagot ni Bianca na nais panatilihing pribado ang kanyang love life. - GMANews.TV
See other notable sites:
www.naturebag.org
www.ictscouts.org
www.sport-sports.com
www.domestic-animals.com
www.12hasa.com
www.12holland.com
Thursday, May 15, 2008
Bianca King refuses to be compared to Katrina Halili










Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment