MANILA, Philippines - Lalong naging malapit sa isa’t-isa sina Richard Gutierrez at Heart Evangelista matapos ang ilang linggong pananatili sa Dubai upang mag-shoot ng ilang eksena para sa bagong primetime serye ng GMA 7 na “Codename: Asero."
Katunayan, may ibinigay pang souvenir ang binatang aktor sa broken hearted na dalaga na kabi- break lang sa kanyang boyfriend na si Jericho Rosales.
Ano kaya ang souvenir na ‘yon?
“Gusto nyang mag-uwi ng camel… sabi ko hindi pwede kaya ibinili ko lang siya ng stuff toy na camel," kwento ni Richard sa Chika Minute ng GMA news na 24 Oras nitong Martes.
Maraming bitbit na karanasan ang dalawa mula sa ilang linggong shooting sa Dubai at isa na rito ang mainit na klima sa Dubai. Ngunit sa kabila nito, naging masaya at maganda ang resulta ng kanilang trabaho roon.
“Parang pelikula talaga ang dating ng mga kinunan naming sa Dubai. Iba yun texture…saka ang ganda ng resulta on screen ng mga ginawa naming," pagmamalaki ni Richard.
May eksena naman si Heart kung saan nagsasayaw ito na ala-belly dancing. Nangangahulugan kaya ito na magpapa-sexy na ang dalaga?
“Sexy siya pero hindi dahil sa gusto kong magpasexy but because ‘yon yun kultura na inembrace namin at gusto naming i-share sa mga Filipino," paglilinaw ni Heart.
Puro papuri ang sinabi ni Heart sa kanyang bagong ka-love team na si Richard dahil sa ginawang pag-asikaso sa kanya sa Dubai at suporta sa kanyang problema sa puso.
“He's a very good person to talk to. Totoong tao siya. I’m very happy malaking tulong ang naibigay ni Richard," ayon kay Heart.
“Mahirap din magbigay sa tao ng unsolicited advice. I just want to comfort her sa anumang problema na pinagdadaanan nya," sambit naman ng gwapong aktor. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Save mother nature
Our beloved pets website
Sports Unlimited Info
Wanna go to Holland?
Get spiritual in Tibet
Tuesday, May 20, 2008
Code Name: Asero brings Richard, Heart Evangelista closer










Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment