Nagte-taping ang actor na si Dingdong Dantes sa Subic ng kanilang nangungunang primetime series sa GMA-7 na Dyesebel nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang aktor at mahingan ng reaksiyon hinggil sa recent issue na kinasangkutan ng kanyang leading lady at ka-love team na si Marian Rivera.
Ang kontrobersyal na YouTube video ni Marian ang tinutukoy namin na naganap din sa mismong taping ng Dyesebel sa Subic ilang linggo na ang nakakalipas. Para kay Dingdong, naniniwala siyang tama lang ang ginawa ni Marian sa sitwasyon yun.
Aniya, normal reaction naman daw kasi ng kahit sinong tao ang ginawa ni Marian, lalo pa nga't tulad sa pagkakataong yun na may ginawang hindi maganda kay Marian.
Bagama't may taping din daw siya that day, nagkataon naman na patapos na ang pangyayari nang dumating siya.
"Noong dumating kasi ako, patapos na halos. But I believe, it also ended there. Para sa akin, natural na reaction ng tao yung nangyari kay Marian.
"Ang mahalaga, naayos din agad kung anuman yung naging problema."
Dugtong pa ni Dingdong, hindi rin daw dapat husgahan ng tao si Marian dahil sa nakitang YouTube video. Aniya, "Dapat kasing isipin natin na si Marian, bilang tao, bilang artista, mas marami siyang nagawa para sa iba, para rin sa industriyang ito. So, hindi siya dapat husgahan dahil lang sa napanood sa YouTube video na yun."
Bilang leading man at kaibigan, ayon kay Dingdong ay hindi raw mawawala ang suporta niya para kay Marian, although natutuwa raw siya na naayos na rin naman daw agad ang problema.- Philippine Entertainment Portal
Saturday, May 24, 2008
Dingdong defends Marian on video row










Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment