Friday, May 16, 2008

Marian, Dingdong looking forward to new movie


Excited na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa unang pelikula na kanilang pagtatambalan kasama si Iza Calzado.

“Sana Matuloy… Ako its one thing I’m looking forward to," pahayag ng aktor sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras.

Hirit naman ni Marian: “Hindi pa kami gumagawa ni Dingdong ng movie…(bale) first time namin ito if even na matuloy."

Nabuo ang love team nina Marian at Dingdong sa super hit na primetime drama series ng GMA 7 na “Marimar." Ngayon, gabi-gabing naman silang inaabangan ng kanilang mga fans sa nangungunang telefantasya sa buong bansa, ang “Dyesebel."

Kaya naman daw doble ang nararamdaman nilang kasiyahan dahil sa mainit na pagsubaybay sa kanila ng mga tao.

“Napatunayan sa amin na yun suporta hindi talaga umalis… yun pagmamahal sa amin nandyan pa rin. And the more na lalo talaga kaming nagaganahan," ayon kay Dingdong

“Yun magkaroon ako ng paa inabangan talaga yun. Masaya ako na pinapasok muli nila si ‘Dyesebel’ sa tahanan nila," pahayag ni Marian.

Ngayon na nagkaroon na ng paa at pumangit si ‘Dyesebel,’ dapat abangan ang muli nilang pagkikita ni “Fredo" na ginampanan ni Dingdong. - GMANews.TV
Save mother nature
Our beloved pets website
Sports Unlimited Info
Wanna go to Holland?
Get spiritual in Tibet


Digg Technorati del.icio.us Stumbleupon Reddit Blinklist Furl Spurl Yahoo Simpy

No comments: